CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Welcome...

This blog is about life in general and everything in between. Most of the articles posted here are from people who generously shared their lives to others. This is my tribute to them.

Journey with me today. Let's talk about life and how to live it fully everyday.

It is my prayer that as we learn from each other, we will be able to bring out the best of who we are, as God intended us to be - His children living a life of excellence and fullness.

ALL for HIS glory and honor!

God bless my friends,
Yheleen

Tawa Naman

Add to Technorati Favorites
Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si
ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!

--------------------------------------------------
Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.

------------ -- --------- ----------- ---------- ----------
Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin
sa balita kung magkano!

-------- ----------- ----------- ------------ ------------
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.

----------- ------------ ------------ -- ------------ -----------
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na **kama**:*
TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na
lang matulog. (Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!

***********************
Dear Dodong,
Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo.
Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk...
Nagmamahal - Nanay

***********************
ANAK: 'Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako
ng 'cocomban'.
TATAY: Ano ka ba naman. Hangga ngayon 'cocomban' pa rin ang tawag
mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!

********************************
MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na.
Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di
ako nakauwi!

*****************************
PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing
aid. Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!

************************************
At a funeral...
ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: 'REMAINS WILL BE
CREMATED.'

*****************************
Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1
coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa
karton 'SUGAR FREE.'

****************************
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito: 'for 3 years & up'!

PASS THE FUN...

(Thanks to Ate Dilsy and Ate Joy for sharing this thru e-mail)

0 comments: